Pormal na ring naghain ng kaniyang kandidatura bilang alkalde ng Davao City ang nagbitiw na Civil Service Commission (CSC) chairperson Karlo Nograles.
Isinagawa nito ang paghahain isang araw matapos na magbitiw ito sa posisyon.
Nakasaad kasi sa kaniyang resignation letter na isinumite kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na siya ay magbabalik sa Davao City at kaniyang iaaplay ang mga natutunan sa paninilbihan sa gobyerno.
Makakatunggali niya sa pagka-alkalde ng Davao City si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang nakakabatang Nograles ay anak ni Prospero Nograles na nagsilbing House speaker mula 2008 hanggang 2010 sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Ang nakakatandang Nograles ay matagal ng katunggali ng Duterte sa loob ng tatlong dekada.
Natapos lamang ang tunggalian ng dalawang pulitko ng sinuportahan ng dating House Speaker Rodrigo Duterte sa pagtakbo sa pagkapangulo noong 2016.
Noong Nobyembre 2018 ay itinalaga ni Pangulong Duterte si Karlo Nograles bilang Cabinet Secretary.
Naging acting presidential spokesperson at co-chairperson ng inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.
Noong Marso 2022 ng itilaga siya sa CSC na sana ay hanggang 2029 ang panunungkulan hanggang ito ay nagbitiw nitong Lunes.