Pumanaw na ang dating Civil Service Commission (CSC) chairperson na si Karina Constantino-David.
Batay sa statement na inilabas ng pamilya David, kinumpirma nila ang pagyao ng dating CSC head sa edad na 73.
“It is with utmost grief that our family announces the passing of our beloved Karina Constantino-David,” saad ng kanilang statement.
Naiwan ni Karina ang kaniyang asawa na si Prof. Randy David; mga anak na sina Dr. Carlos Primo David, Nadya Melina David, Jika David at broadcaster na si Kara David.
Matatandaang nagsilbi siya bilang undersecretary ng Department of Social Welfare and Development noong 1986 hanggang 1988.
Naging chairperson din siya ng Housing and Urban Development Coordinating Council mula 1998 hanggang 2000.
Habang chairperson naman ng CSC mula 2001 hanggang 2008.
Maliban dito, nagsilbi rin siyang miyembro ng Board of Trustees sa GSIS mula 2010 hanggang 2016.