-- Advertisements --

Nais lamang umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na may galing sa national government na tutulong sa pagtatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Paliwanag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kung bakit nais ilipat ni Pangulong Duterte si Agriculture Sec. Manny Piñol sa Mindanao Development Authority (MinDA).

Sinabi Sec. Panelo, tutulong lang pero hindi naman mangingialam sa pagpapatakbo ng BARMM si Piñol.

Samantala, wala pa rin daw napipisil si Pangulong Duterte na ipapalit kay Piñol sa Department of Agriculture (DA) dahil hindi pa nito nakakausap BARMM chief minister Al Haj Murad Ebrahim.