-- Advertisements --

Hinatulang guilty ng Sandiganbayan ang dating regional director ng Department of Agrarian Regorm (DAR) sa paggamit sa personal na interes ng P184,904 halaga ng public funds.

Ayon sa anti-graft court, guilty si dating DAR Region 13 chief Yusoph Mama sa isang bilang ng failure of accountable officer to render accounts sa ilalim ng Article 218 ng Revised Penal Code.

Dahil dito, pinagbabayad ng korte si Mama ng multang P6,000.

Nauna nang nadiin si mama sa kasong malversation of public funds dahil sa umano’y paggamit nito ng kanyang posisyon para gamitin sa personal na interes ang mga pondo na kanyang natanggap mula noong Agosto 1997 hanggang Pebrero 1999.

Nag-ugat ang kasong ito mula sa liquidation report na isinumite ng Commission on Audit na nagsasabi na hanggang noong Setyembre 30, 2011 bigo pa rin si Mama na ma-account ang pondo na kanyang natanggap.