Hinatulang guilty ng Sandiganbayan ang dating opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) Region 12 kaugnay ng kasong graft.
Batay sa desisyon ng 6th Division na may petsang April 29, nakasaad na nilabag ni former DAR adjudicator Henry Gelacio ang nilalaman ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Ito’y matapos umano nitong manghuthot ng pera at isdang tuna mula sa complainant na naga-apply noon ng temporary restraining order sa isang kaso.
Kinatigan ng anti-graft court ang testimonya ng abogado ni Eduardito Garbo na si Atty. Johnny Landero na nagsabing nagbigay ng kabuuang P120,000 sa DAR official.
Nanghiram rin daw ito ng ice box para lang ipadala kay Gelacio ang isang tuna.
Nauna ng dumepensa ang DAR adjudicator pero iginiit ng Sandiganbayan ang nilalaman ng Supreme Court dahil hindi umano ito sapat para katigan.
“No less than the defense admitted that denial is inherently weak. The defense is accurate on this point. It is a time honored principle that the positive testimony by a witness destroys the defense of denial.â€