-- Advertisements --

Itinalaga ng Commission on Elections (Comelec) bilang ad interim commissioner si Atty. Aimee Ferolino-Ampoloquio.

Sa isang pahayag, sinabi ng Comelec na nakapanumpa na sa puwesto si Ampoloquio upang palitan ang nabakanteng puwesto ni Commissioner Al Parreno na nagretiro na.

Sa kanyang panunungkulan, sinabi ni Ampoloquio na kasama sa kanyang bibigyang prayoridad ang fine-tuning ng internal management ng poll body.

Maging ang pagpapahusay pa sa resources ng Comelec, partikular sa human resource at materials ay kanyang tututukan.

Si Ampoloquio ay ang dating provincial election supervisor ng lalawigan ng Davao del Norte.