Pansamantalang nakalaya si dating Undersecretary Lloyd Christopher Lao matapos makapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P90,000.
Si Lao ay nahuli kahapon ng mga operatiba ng Crime Investigation and Detection Group (CIDG) sa Davao City kung saan siya ay pinaniniwalaang nagtago ng mahabang panahon mula noong ilabas ng Senado ang kanyang arrest order.
Si Lao ay ang dating head ng Procurement Service ng Department of Budget and Management na naging kontrobersyal dahil sa umano’y maanomalyang paglilipat ng pondo sa kanyang opisina para sa pagbili ng mga medical supplies noong kasagsagan ng pandemiya.
Ang naturang pondo ay nagkakahalaga ng P41 billion.
Ito ay inimbestigahan noon ng Senado sa pangunguna ni dating Senate Blue Ribbon Committee Chair, Sen. Richard Gordon.
Ang naturang isyu ay naging dahilan ng graft case na isinampa sa dating DBM executive.
Samantala, ikinalungkot naman ni Gordon na napakababa ang bail na inilaan laban Lao.
Ayon kay Gordon, dapat ay kasong plunder ang kasong naisampa laban sa kanya, isang kasong walang pyansa.