Nakatakdang maging bagong prime minister ng Japan si dating Japanese defense minister Shigeru Ishiba.
Ito ay matapos na makuha nito ang majority ng kaniyang partido.
Mayroong 215 na bumuto sa kaniyang partido na pumabor sa kaniya habang 194 naman ang kumontra.
Namuno ang 67-anyos na si Ishiba sa Liberal Democratic Party.
Pormal itong uupo sa puwesto sa sa buwan ng Oktubre kung saan mag-convene ang parlyamento at doon hawak ng kaniyang partido ang mayorya sa lower house.
Tinalo ni Ishiba ang walong iba pa na kinabibilangan nina economic security minister Sanae Takaichi na target na maging unang babaeng lider ng Japan, Shinjiro Koizumi na anak ni dating prime minister Junichiro Koizumi.
Target ni Ishiba na matanggal na ang Japan sa mataas na inflation rates at isusulong nito ang pagpayag sa mga babaeng kasal na panatilihin ang kanilang apeliyedo.
Papalitan ni Ishiba si Prime Minister Fumio Kishida na inanunsiyo noong Agosto na ito ay bababa na sa puwesto kapag natapos na ang termino matapos ang panawagan na magbitiw na lamang ito dahil sa mga kinaharap nitong iskandalo sa pulitika.