Dumipensa si dating Defense Secretary Norberto Gonzales sa ipinatawag niya at ng iba pang presidential candidates na press conference kahapon, Easter Sunday, sa engrandeng Manila Peninsula.
Sa isang panayam, natanong si Gonzales kung bakit kinailangan pang idaan sa pamamagitan ng isang press conference kung nais lang naman nilang sabihin sa publiko na hindi sila aatras sila sa presidential race.
Iginiit ni Gonzales na sa kasunduan na nilagdaan nila nina Sen. Panfilo Lacson at Manila Mayor Isko Moreno ang kanilang pagtitiyak sa isa’t isa na sila ay magtutulungan sa susunod na administrasyon kung sino man sa kanila ang manalo sa nalalapit na halalan.
Sinabi ni Gonzales, na una niyang nakausap pahinggil dito si Sen. Manny Pacquiao, sunod si Lacson na nagmungkahi namang imbitahan na rin si Moreno.
Magugunita na kahapon, sa kanilang press conference, naungkat din ang issue hinggil sa pagkumbinse anila sa kanila ng ilang supporters ni Vice President Leni Robredo na umatras na lang sa presidential race.
Maging ang mga resulta sa mga surveys, kung saan frontrunners sina dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Robredo, ay kinuwestiyon din nina Gonzales, Lacson at Moreno.