-- Advertisements --

CEBU CITY – Hinirang ni Cebu City Mayor Michael Rama si dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na maging bahagi ng kanyang management team bilang miyembro ng City Advisory Board na nangangasiwa sa environmental concerns.

Sinabi ni Cerwin Eviota, Cebu City information officer, na magsisilbing adviser si Cimatu para sa iba’t ibang environmental programs ng lungsod, tulad ng “Gubat sa Baha” program na naglalayong tugunan ang problema ng lungsod sa pagbaha, at muling mabawi ang three-meter easement ng mga daluyan ng tubig ng lungsod.

Magugunitang noong Hulyo 2022, ipinakilala rin ni Rama si Sinas sa mga empleyado ng City Hall at mga pinuno ng departamento matapos tanggapin ng huli ang alok ng alkalde na kumilos bilang tagapayo ng kaligtasan, kapayapaan, at kaayusan ng lungsod.

Hiniling din ni Rama kay Dr. Mary Jean Loreche, dating punong pathologist ng Department of Health-Central Visayas Center for Health and Development, na manguna bilang pinuno ng Cebu City Medical Center matapos kilalanin ang kanyang tungkulin noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic sa siyudad.