Inilabas ni dating deputy spokesperson noong nakaraang adminstrasyon Atty. Abigail Valte ang mga dokumento na nagpapatunay na wala umanong overpriced sa mga biniling personal protective equipment (PPE) noong panahon ni dating Pangulong Benigno (P-Noy) Aquino III.
Sa kaniyang Facebook post, ipinakita nito ang mga purchase order sa mga biniling PPE ilang araw bago ang pagtatapos na termino ni Aquino.
Nakasaad sa nasabing PO na mayroong 3,750 PPE ang nabili.
Bawat set ay binubuo ng goggles, gloves, plastic shoe covers, coveralls, surgical gloves, N95 face masks, surgical masks at head caps.
Nagkakahalaga ng P3,864 ang presyo ng bawat sets.
Magugunitang ibinunyag ni presidential spokesperson Harry Roque na ang nabiling PPE noong Aquino adminstration ay mas mahal kaysa sa nabili ng kasalukuyang Duterte administration.
Ang pahayag ni Roque ay kasunod na rin na pagsasagawa ng mga mambabatas ng imbestigasyon sa overpriced na PPE ng gobyerno.