-- Advertisements --
Itinuturing ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pananakop ng China sa West Philippine Sea bilang pagsuko na ng bansa sa China.
Dagdag pa nito, maaaring ituring na ito ay laban sa interes ng Pilipinas.
Hindi aniya dapat masasakop ng buo ng China ang West Philippine Sea kung iba ang ipinapakitang pakikitungo ng pangulo sa nasabing usapin.
Aniya, mapapahamak pa lalo ang bansa dahil sa naging pahayag ng pangulo.
Iginigiit pa ni Del Rosario na mapapalayas ang China sa pamamagitan ng pagpapakita ng puwersa ng bansa.
Magugunitang hindi kinikilala ng China ang arbitral ruling at patuloy na inaangkin ang West Philippine Sea.