-- Advertisements --

Binatikos ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ang naging “close distance maneuvering” ng Chinese Coast Guard laban sa barko ng Philippine Coast Guard sa Bajo de Masinloc o mas kilala sa tawag na Scarborough Shoal.

Sa isang statement ay nagpahayag ng pagkondena si del Rosario dahil sa naging aksyon Chinese Coast Guard na maaaring ikapahamak ng mga Pilipinong sakay ng BRP Malabrigo.

Sa kanyang pahayag ay binigyang-diin ng dating kalihim na ang Scarborough Shoal ay kabilang sa teritoryo ng Pilipinas kung kaya’t nasa ilalim ng ating bansa ang soberenya nito.

Dahilan kung bakit maituturing na ilegal at labag sa international law ang naging presensya at pagpapatrol ng China dito na nakakaapekto naman sa kapayapaan sa West Philippine Sea at South China Sea.

Samantala, una rito ay sinabi na ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. na naghain na ng diplomatikong protesta ang gobyerno laban sa China dahil sa insidenteng ito.

Magugunita na dati nang nahatulan ang China ng paglabag sa international law sa ilalim ng Philippine Arbitration noong 2016 nang dahil pa rin sa kaparehong aksyon na ginawa ng mga Chinese Coast Guard.Top