-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Inanunsyo ni dating Dinagat Islands Vice Governor Benglen Ecleo na ina-admit nila ang kanilang inang si dating Congresswoman Glenda Ecleo matapos manghihina.

Una na itong nag-negative sa kanyang antigen test sa Municipal Health Office sa bayan ng San Jose at nang ma-admit na, nagpositibo na ang kanyang antigen test.

Upang masigurong totoong COVID-19 positive ang kanyang ina ay isina-ilalim na ito sa RT-PCR ng Philippine Red Cross at kaninang umaga ay kumain ito na walang oxygen aid.

Na-diagnose itong may mild symptoms kungsaan lima sa kanyang house staff ang nagpositibo sa COVID-19 at nak,a-quarantine na upang maalagaan at ma-obserbahan.

Nagdesisyon silang isapubliko ito upang ang mga taong nakahalubilo ng kanilang ina noong nagdiriwang ito ng kanyang kaarawan ay masa-ilalim na rin sa RT-PCR test.

Nagsimulang nanghina ang dating kongresista noong Mayo a-13 hanggang sa ngayon.