-- Advertisements --

ILOILO CITY – Sinampahan na ng kaso ang dating director ng Iloilo City Police Office at mga tauhang pulis na sangkot umano sa nangyaring twin shooting incident sa lungsod.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay dating assemblyman at Banat Partylist representative Salvador Britanico, sinabi nito na ang pagsampa nila ng kaso laban kay Police Col. Martin Defensor Jr. ay base sa salaysay ng tauhan nito na si Police Corporal Joseph Andrew Joven na nagsibling driver ng get-way vehicle na ginamit sa pagpatay sa call center agent na si Allain Muller at anak ng kongresista na si Delfin Britanico.

Ayon kay Britanico, kasong murder ang isinampa kay Defensor na siyang mastermind sa pagpatay kay Muller at principal by inducement naman matapos itinurong accessory to the crime sa pagpaslang sa anak ng kongresista.

Anya inamin mismo ni Joven na binayaran siya ni Defensor upang mananihik.

Maliban kay Joven, kabilang rin sa mga pulis na sangkot sa kaso ay sina Police Staff Sgt. Ricardo Morante, Police Master Sgt. Vernie Escorial, Police Staff Sgt. Michael De Felipe, at Police Staff Sgt. Freddie Libo-on.