-- Advertisements --

Naghain ng kaniyang kandidatura bilang pagka-senador si dating Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Ayon sa Commission on Election na mayroong representative ito ng naghain ng kaniyang kandidatura para sa opisyal.

HIndi na rin nagbigay ng anumang pahayag ang representative ni Lorenzana pagkahain ng kaniyang kandidatura.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay bumaba sa puwesto si Lorenzana bilang chairman ng Bases Conversion and Development Authority.

Mula 2016 hanggang 2022 ay naging DND Secretary si Lorenzana sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.