Nakapag-lagak na rin ng piyansa si dating Department of Health Secretary Francisco Duque III sa graft charges laban sa kaniya.
Ayon sa dating kalihim, agad siyang nakapag-piyansa noong Setyembre 4 matapos malaman ang inihaing kaso ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan kaugnay sa umano’y ilegal na paglipat ng DOH sa PS-DBM ng multi-bilyong pera para sa pagbili ng COVID-19 medical supplies sa kasagsagan ng pandemiya.
Saad pa ni Duque na hahanap siya ng mga legal na remedyo para kwestiyunin ang resolution ng Ombudsman hindi lamang sa Sandiganbayan kundi maging sa Korte Suprema.
Una na ngang nag-piyansa si dating Department of Budget and Management USec. Lloyd Christopher Lao na inakusahan din ng graft charges matapos arestuhin habang patungo sa korte para maglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P90,000 noong umaga ng Miyerkules.