-- Advertisements --

Naglabas na ng resolusyon ang Ombudsman hinggil sa kinakaharap na reklamo ng dalawang dating opisyal ng gobyerno.

Sa naging desisyon ng naturang anti-graft court, pinakakasuhan na nito sina dating DOH Sec. Francisco Duque III at dating Usec. ng PS-DBM na si Lloyd Christopher Lao.

Nag-ugat ang naturang reklamo laban sa dalawa matapos na maghain ng reklamo ang dating senador na si Richard Gordon at kasalukuyang senador na si Sen. Risa Hontiveros na may kinalaman sa pagbili ng dating administrasyong Duterte ng mga COVID-19 pandemic medical supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corp.

Ang kabuuang halaga ng naging kontra nito ay pumalo ng P11.5 billion.