-- Advertisements --

Maghahain umano ng motion for reconsideration si dating Health Secretary Francisco Duque III kaugnay sa utos ng Office of the Ombudsman na isama siya sa pagsasampa ng graft charges dahil sa umano’y irregular transfer ng mahigit P41 billion sa procurement ng health supplies.

Kasama niyang pinakakasuhan si dating Budget Undersecretary Christopher Lao.

Maliban sa kanila, pinasasampahan din ng reklamo ang iba pang bahagi ng Pharmally deal.

Maaari umanong sa Lunes o Martes maihahain ni Duque ang apela sa anti-graft body.

Matatandaang siya ang naging chairman ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na siyang responsable sa pagtugon sa COVID-19 situation ng ating bansa.

Giit niya, sa kasagsagan ng pandemya ay normal lamang na maghanap sila ng medical supply hanggang foreign sources, maging mura man ito o mas mahal dahil sa pangangailangan para sa mga health workers.

Sinabi rin ng dating kalihim na may mga basehang batas ang kanilang ginawang procurement, kaya umaasa siyang maikukubsidera ito ng Office of the Ombudsman.