-- Advertisements --

ILOILO CITY – Binanatan ni dating Health Secretary at ngayon Iloilo 1st District Rep. Janette Garin si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Acosta dahil sa umano’y pagiging anti vaxxer nito.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Garin, sinabi nito na ginagamit ni Acosta ang kanyang posisyon at pondo ng kanyang opisina upang ikampanya ang hindi pagpabakuna.

Ayon kay Garin, nararapat na bantayan ng Department of Justice si Acosta dahil may organisasyon umano ito kung saan ang kanilang global movement ay sirain ang vaccination program hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.

Matandaan na dati nang nagkagiriian sina Acosta at Garin sa Dengvaxia controversy na kinasasangkutan ng dating kalihim.