-- Advertisements --
Kinontra ni Senior Deputy Minority Leader at iloilo Representative Janette Garin ang paggamit ng Quick Response Fund (QRF) ng gobyerno para makabili ng mga dengue kits.
Sinabi ng dating kalihim ng Department of Health (DOH) na ito ay walang kuwenta at magiging sanhi ng kurapsyon.
Ang kaniyang babala ay kasunod ng pagdeklara ng DOH ng national dengue epidemic para magamit ng mga local government unit ng kanilang QRF.
Magugunitang umabot na sa 622 katao ang patay matapos dapuan ng dengue mula Enero hanggang Hulyo.