-- Advertisements --
Pumanaw na ang dating tagapagsalita ng Department of Health (DoH) na si Asec. Lyndon Lee Suy sa edad na 55.
Ayon sa mga kasamahan ni Lee Suy sa DoH, binawian ito ng buhay kaninang umaga.
Nabatid na cardiac arrest ang sanhi ng pagkamatay ng dating health official.
Sinasabing nagtuturo ito sa isang paaralan sa lungsod ng Valenzuela nang sumama ang pakiramdam.
Nadala pa siya sa pagamutan bago nalagutan ng hininga.
Wala pa namang inilalabas na detalye ang mga kaanak nito ukol sa magiging burol at libing.
Si Lee Suy ay nagsisilbing assistant secretary for Office of Health Policy and Systems Development Team.