-- Advertisements --

Sumakabilang-buhay na ngayong araw ng Lunes, Abril 27, ang dating kalihim ng Department of Tourism (DOT) na si Ramon Jimenez sa edad na 64-anyos.

Sa isang pahayag, kinumpirma ni DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat ang pagyao ni Jimenez at nagpaabot na rin ito ng pakikiramay sa naulilang pamilya.

“On behalf of the officials and employees of the Department of Tourism (DOT), I would like to extend our sincerest condolences to the bereaved loved ones of former Tourism Secretary Ramon “Mon” Jimenez, Jr. who recently passed away,” wika ni Puyat.

Inalala rin ni Puyat ang naging “immeasurable contributions” ni Jimenez sa industriya ng turismo sa Pilipinas.

Si Jimenez ang nagpasikat ng tourism slogan ng bansa na “It’s more fun in the Philippines” na inilunsad noong 2012.

“The DOT family pays tribute to the immeasurable contributions of Secretary Jimenez who laid down the foundation for the country’s most famous tourism campaign, ‘It’s More Fun in the Philippines,’ which I have chosen to retain until now, and the DOT policies that helped shape the National Tourism Development Program (NTDP) for 2016-2022,” ani Puyat.

Itinalaga ni dating Pangulong Benigno Aquino III si Jimenez bilang acting secretary ng DOT noong Setyembre 2011 upang palitan si dating secretary Alberto Lim.

Umupo sa tungkulin si Jimenez hanggang 2016.

Bago ito matalaga sa puwesto, nagtrabaho sa advertising industry si Jimenez ng mahigit 30 taon.