-- Advertisements --

NAGA CITY – Arestado ang isang dating miyembro ng Dangerous Drug Board (DDB)matapos magpaputok ng baril sa Lomeda Subd., Bgy. San Felipe, Naga City.

Kinilala ang suspek na si Eric Sison.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Ariel Blanco, station commander ng Naga City Police Office (NCPO)- Station 3, sinabi nitong, nagkaroon ng hindi pagkakaindintihan ang suspek at ang asawa nito na nauwi sa pagpapautok nito ng baril.

Kaugnay nito, nagsumbong aniya ang asawa ni Sison kay Former CamSur 3rd District Rep. Sulpicio Roco na agad ding nagreport sa kapulisan.

Kaugnay nito, agad namang rumesponde ang mga otoridad kung saan naabutan si Sison na hawak ang isang baril ngunit matapos makita ang mga pulis at itinapon aniya ang armas.

Narekober sa lugar ang ilang basyo ng bala ng caliber .45 na ginamit ng suspek.

Sa ngayon, nananatili na sa kustodiya ng mga otoridad ang suspek habang hinahanda na ang kasong isasampa laban dito.