-- Advertisements --
Pumanaw na si dating Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Vic Dimagiba sa edad 73.
Kinumpirma ng kaniyang anak na si Victorio Dimagiba Jr ang deputy consul-general ng Pilipinas sa Calagary at Alberta, Canada.
Hindi na binanggit nito ang sanhi ng kamatayan ng ama.
Naigng bahagi rin ang pumanaw na si Dimagiba sa grupong Laban Konsyumer na siyang nagbabantay sa mga bilihin.
Nakalagak ang bangkay ng ama nito sa Sta. Mari della Strada Parish sa Loyola, Quezon City hanggang Setyembre 17.