-- Advertisements --

Naghain na rin ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-presidente sa huling araw ng filing ang dating spokesman ng Pangulong Duterte na si DFA Undersecretary Ernesto Abella.

Si Abella na isa ring dating pastor ay naging tagapagsalita ng pangulo nang maupo sa puwesto noong June 2016.

abella

Noong taong 2017 inilipat siya sa DFA nang palitan siya ni Sec. Harry Roque bilang spokesperson.

Samantala ilan pang naghain ng kandidatura sa pagka-presidente ay kinabibilangan nina Ferdinand Jose Pijao, Danilo Roble, Cornelio Seño, Loreto Agcaoile, Alejo Katigbak, Hilario Andes, Juan Aguilar Jr., Percival de Guzman, Kamadhenu Gaa, Anthony Fajardo, Robert Navarro, Gerald Arcega at Bonifacio Bravo.

Sa pagka-bise presidente naman, nagsampa din ng kanilang COC sina Sen. Francis “Kiko” Pangilinan bilang ka-tandem ni Vice President Leni Robredo, gayundin sina Arlene Josephine Butay, Addullatief Pumbaya, Elpidio Rosales Jr., Rey Anthony Bereber at Rizalito David.

Samantala naghain na rin ng kanyang kandidatura sa pagka-senador sina dating Vice-President Noli de Castro, re-electionist Sen. Sherwin Gatchalian, re-electionist Sen. Leila de Lima ay sa pamamagitan ng kanyang kinatawan, DOLE Sec. Silvestre Bello III, dati ring DOLE Sec. Marianito Roque, Mindanao Dev’t Authority Sec Manny Piñol at dating Sen. Antonio Trillanes IV.

run sara

Gayundin sa pagkasenador sina Iluminado Macalalad, Nur-Mahal “Princess Light” Kiram, Eugenio “Kenny” Insigne, Alexander Lacson, Bethsaida Lopez, Vilma Detira, Rundy Montoya, Luzminda “Winnie” Calicdan, Arlene Josephine Butay, Melchor Chavez, Francis Leo Marcos, Ruel Lamoste, Ernesto Librando, Bilgadil Aldam, Luther Meniano, Bandao Bansilan, Ariel Lim at Edgardo Los Baños.

Narito naman ang mga party-lists na naghain din ng COC ngayong araw: Anak ng Maharlikang Pilipino, 1 Ako Driver, ANAC IP, Ako Bisaya, CHAMP, Ating Guro, Anak Mindanao, Probinsiyano Ako, Motor, Guardian, Angat Turismo Association Inc (ATAI), 1 TESDA Core, Alliance of Public Transport Organization, KM Ngayon Na, ASPA, Alliance for Resilience, Sustainability and Empowerment (ARISE), Byaherong Pinoy, Kamalayan, Bahay, UFCC, Alliance of OFW, Uswag Ilonggo, NORAA, NASECORE: Kontra Brownout, CIBAC, Angat Ahon Magsasaka, Tingog at Bunyog.

Samantala inaasahang madadagdagan pa ang naturang mga naghain ng kandidatura sa huling ilang oras na itinakda ng Comelec bago sarhan ang filing ng COC.

mayor Sara supporters COC crowds
leila coc filing