Pumanaw na ang dating pangulo ng Egypt na si Hosni Mubarak sa edad 91.
Ayon sa kampo ng dating pangulo nalagutan ito ng hininga habang ito ay nasa military hospital.
Noong Enero ay sumailalim ito sa operasyon at nitong Sabado ay dinala ito sa intensive care.
Pinatalsik bilang pangulo ng Egypt si Mubarak noong 2011 matapos ang tatlong dekadang panunungkulan.
Nahatulang guilty ito dahil sa pagpatay sa ilang protesters subalit nabasura ito noong March 2017 at ito ay napalaya.
Ipinanganak noong 1928 at pumasok sa air force noong teenager na naging malaking tulong noong 1973 Arab-Israeli war.
Pinalitan niya si President Anwar Sadat ng ito ay ma-assasinate.
Bagamat ilang bilyong dolyar sa military aid ang natatanggap ng Egypt ay mataas pa rin ang bilang ng walang trabaho, kahirapan at kurapsyon.
Matapos ang isang taon ng mapatalsik si Mubarak ay nanalo bilang pangulo sa unang democratic presidential election si Mohamed Morsi isang Islamist politician.
Nagtagal ng halos isang taon si Morsi at siya ay pinatalsik sa isang military kudeta sa pangunguna ni Gen. Abdel Fattah al-Sisi.
Nagwagi si Gen. Sisi ng dalawang presidential elections habang namatay sa kulungan si Morsi.
Noong 2012 ay hinatulan si Mubarak ng life imprisonment dahil sa pagpatay sa 900 na protesters.
Kasama ang kaniyang dalawang anak ay nahatulan sila ng kurapsiyon.