-- Advertisements --
Puno
Ex-FDa chief Nela Charade Puno

Mariing itinanggi nang sinibak na si Food and Drugs Admistration (FDA) Director General Nela Charade Puno na sangkot siya sa katiwalian.

Paglilinaw ito ni Puno matapos siyang tanggalin ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon makaraang iugnay sa umano’y issue ng korapsyon.

Sa isang statement, sinabi ni Puno na wala naman siyang alam na anumang legal proceedings o imbestigasyon laban sa kanya patungkol sa korapsyon.

Pero sakaling magkaroon man daw ng imbestigasyon laban sa kanya ukol sa alegasyon na ito, handa naman daw siya harapin ito.

“I leave FDA with clear conscience and what I believe to be a clean record,” giit ni Puno.

Para sa dating FDA chief, “unnecessary” na dungisan ang personal at professional reputations ng mga taong kagaya niyang nagsasakripisyo para mag-alay ng serbisyo publiko.

“I served as Director General of FDA for 2 years and 10 months with complete honesty, diligence, dedication and loyalty,” giit ni Puno.

Taong 2016 nang maitalaga si Puno bilang FDA chief, pero bago ito ay nagsilbi siya sa private sector.

Kaya naman wala raw siyang alam hinggil sa anumang “political manoeuverings” sa burukrasya.

Gayunman, sinabi ni Puno na tanggap niya ang naging pasya ni Pangulong Duterte na walang sama ng loob.

“I serve at the pleasure of the President and therefore I accept his decision without any ill-feelings… however, I take exception to the mention of so-called ‘corruption allegations’ because I am clueless as to what these are,” dagdag pa nito.