Napili ni President elect-Joe Biden si dating Federal Reserve chair Janet Yellen na maging treasury secretary.
Sakaling makumpirma ng Senado ng Amerika ay magiging siya ang unang babae na hahawak ng nasabing posisyon.
Isa lamang siya sa mga babaeng napili para sa top economic position.
Nauna nang ipinangako ni Biden na bumuo ng diverse administration kabilang ang kanyang hakbang na bumuo ng historic na all-female senior press team.
Ang 74-anyos na economist na si Yellen ay namuno sa Central Bank of America at top economic adviser noon ni dating President Bill Clinton.
Ilan pa sa mga napili ni Biden na uupo sa ibang mga posisyon ay si Wally Adeyemo bilang deputy treasury secretary at economist Cecilia Rouse na mamumuno sa Council of Economic Advisers kung saan ito ang magiging unang African American na napili ni Biden sa posisyon.
Hinirang din ni Biden si Neera Tanden na nagtrabaho sa Obama administration para pamunuan ang Office of Management ang Budget.