-- Advertisements --

Sinampahan na ng kasong paglabag sa batas sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dating basketball player ng University of the Philippines Fighting Maroon na si Kevin Astorga.

Ito ay matapos na maaresto dahil sa pagbebenta ng high-grade marijuana o kush.

Kasamang naaresto ni Astorga ang apat na iba pa sa drug operation na ginanap sa lungsod ng Paranaque.

Nakatakas ang ibang mga kasamahan nitong nagpa-pot session nang lumusob ang mga otoridad.

Nakuha sa suspek ang 150 gramo ng kush at ilang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang cocaine na nagkakahalaga ng P200,000.