-- Advertisements --

Nakalabas na mula sa pagamutan ang dating football star na si Diego Maradona.

Ito ay matapos ang matagumpay na blood clot operation niya sa utak noong nakaraang linggo sa pagamutan sa Buenos Aires, Argentina.

Ayon sa kaniyang doctor na si Leopold Luque, babantayan na lamang siya ng bagong grupo ng mga doctor sa kaniyang bahay.

Ibinunyag pa ni Luque na dumanas ng withdrawal symptom ang 60-anyos na footballer gaya ng labis na pagpapawis at ang pagiging magalitin.