-- Advertisements --

Napili si dating Foreign Minister Fumio Kishida bilang bagong lider ng Japan ruling Liberal Democratic Party.

Papalitan ni Kishida si Prime Minister Yoshihide Suga na una ng nagpahayag na hindi na ito tatakbo para sa reelection bilang leader ng partido.

Si Kishida na ang ika-100 prime minister sakaling magsagawa ng extraordinary session ang parliament sa October 4.

Si Kishida ay nagmula sa angkan ng mga politician sa Hiroshima, Japan na nanilbihan bilang dating policy chief ng Liberal Democratic Party( LDP) at dating foreign minister mula 2012-2017.

Kilala rin ito bilang moderate-liberal politician.

Nangako si Kishida na maglalaan ng bilyong dolyar para matulungan ang ikatlong pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo na makabangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Maaalalang nagdesisyong bumaba sa pwesto bilang prime minister si Suga matapos ang isang taon na panunungkulan nito dahil sa pagbagsak ng poll ratings bunsod ng isyu sa pamamahala sa pandemiya.