-- Advertisements --
Hinatulang makulong ng tatlong taon si dating French President Nicolas Sarkozy.
Napatunayan kasi ng korte na guilty ito sa pagkuha ng impormasyon sa mahistrado noong 2014 na may kinalaman sa patuloy na pag-imbestiga sa kaniyang ginastos noong kampanya.
Sinabi ng judge na hindi na kailangan manatili sa kulungan ang 66-anyos na dating pangulo at sa halip ay maaari nitong tapusin ang hatol habang nakasuot ng electronic bracelet habang nasa bahay.
Itinuturing na siya ang unang pangulo na hatulang makulong sa kasaysayan ng France.
Nagign pangulo si Sarkozy mula 2007 hanggang 2012.