-- Advertisements --

Pumanaw na si dating French President Valery Giscard d’Estaing sa edad 94.

Namuno ito sa nasabing bansa mula 1974 hanggang 1981.

Ayon sa kampo ng dating pangulo, dinapuan ito ng coronavirus disease 2019.

Noong nakaraang mga buwan ay makailang beses na itong dinala sa pagamutan dahil sa sakit sa puso.

Nanguna ang dating pangulo sa European integration noong 1970.

Isa rin ito sa nasa likod ng modernization ng French society kabilang ang pagpayag sa divorce by mutual consent at ang pag-legalize ng abortion.