-- Advertisements --

Tuloy pa rin ang buhay para sa non showbiz ex-girlfriend ni Scottie Thompson sa gitna ng pighati matapos ang kumpirmadong pagpapakasal ng PBA (Philippine Basketball Association) superstar sa ibang babae.

PBA controversy showbiz

Ayon kay Pauline Fajardo, gaano man niya kayanin na manahimik hinggil sa isyu ay pinili niyang magsalita sa una at huling pagkakataon para tuluyan nang makapag-move on.

Pag-amin ni Pau, labis siyang nasaktan sa sinapit ng walong taon na pagiging magkasintahan nila ni Thompson na kanyang inakala na makakasama niya habambuhay.

“I hope we can finally put a stop to all the gossip, and for me to finally reclaim my private life. Even when things regarding my relationship started to unravel publicly, I never felt I needed to release any statement. After all, I never regarded myself as some sort of a public figure, much less a celebrity,” bahagi ng pahayag ni Fajardo.

Hindi na raw niya makokontrol ang mga maglalabasan sa social media pagkatapos ng kanyang pagsasalita, ngunit wala nang balak pang pumatol.

Sa ngayon ay wala pa ring malinaw na pahayag mula sa instant controversial PBA star, habang activated na uli ang social media accounts ng kanyang pinagpalit na longtime girlfriend.

Una nang pinagpiyestahan sa online world ang long time relationaship nina Thompson at Pau, na nauwi sa engagement nito lamang New Year 2021.

Ngunit nitong Hunyo lang din nang magulat ang fans dahil ikinasal si Scottie sa flight attendant na nagngangalang Jinky Serrano.