-- Advertisements --
Nasa pangalawang pinakamayamang tao sa China ang dating empleyado ng Google matapos na pumatok ang kaniyang e-commerce business na Pinduoduo.
Pasok na sa talaan ng Forbes si Colin Huang kung saan nasa $45.4 billion ang tinatayang kabuuang yaman nito.
Naging dating intern ng Microsoft si Huang at nagtrabaho ng tatlong taon bilang engineer sa Google.
Taong 2015 ng itinayo ni Huang ang Pinduoduo kung saan dumami ang customers nila ng nagpatupad ang China ng lockdown dahil sa coronavirus pandemic.
Pumalo kasi sa 65 million kada araw ang mga nakukuha nilang order.
Nangunguna pa rin sa listahan ng Forbes bilang richest technology billionaire si Jeff Bezos na mayroong yaman na $162.2 billion.