Nananatiling kandidato si dating Laguna Governor Emilio Ramon “ER” Ejercito III kahit na ipinagtibay ng Sandiganbayan ang kaniyang kasong graft.
Ayon kay Commission on Election (COMELEC) Director Gloria Petalio ng Calabarzon, tanging ang desisyon mula sa korte suprema ang makakapagtigil kay Ejercito sa pagtakbo.
Tiniyak naman ng kampo ni Ejercito na kanilang iaapela ang desisyon ito ng Sandiganbayan.
Si Ejercito ay tumatakbo sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas laban kay re-electionist Ramil Hernandez ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan.
Nauna rito ay naglabas ng desisyon ang Fourth Division ng Sandiganbayan ng anim hanggang walong taon na pagkakakulong kay Ejercito at diskwalipikasyon na humawak ng anumang government positions matapos na ito ay mapatunayang guilty.
Nagbunsod ang reklamo sa pagpasok sa kontrata sa pagitan ng Pagsanjan municipal government at First Rapids Ventures (FRCV) para magbigay ng insurance sa mga bangkero ng Pagsanjan Falls na hindi dumaan sa tamang bidding.