-- Advertisements --

LAOAG CITY – Handa na si dating Ilocos Norte Governor Michael Marcos Keon na magsilbi bilang bagong alkalde sa lungsod ng Laoag.

Sa mensahe ni Keon matapos siyang maiproklama bilang bagong halal na alkalde sa nasabing lungsod, inisa-isa niya ang kanyang mga prayoridad niya, kasama na rito ang pagresolba sa mga isyu sa merkado publiko at Laoag City General Hospital (LCGH).

Tiniyak na gagawin niya ito sa unang 100 araw niya sa serbisyo.

Dagdag niya na alam niyang matapos mahalal bilang bagong alkalde sa lungsod ay marami ang inaasahan ng mga tao sa kanya.

Samantala, nagpasamalamat naman si Keon sa lahat ng sumuporta sa kanya, lalong-lalo na kay dating Senador Bongbong Marcos at buong pamilya nito.

Si Keon ang papalit kay incumbent Mayor Chyvelle Fariñas.

Nanalo rin bilang vice mayor sa lungsod ng Laoag ang kaalyado ni Keon na si Atty. Toto Lazo laban naman sa anak ni Mayor Chyvelle na si John Michael Fariñas.