-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Malinaw na ang maglalaban sa congressional seat ng 2nd district ng South Cotabato sa darating na May 2022 elections matapos ang huling araw ng filing ng certificate of candidacy (COC).

Maghaharap ang dating gobernador at dalawang third termer na mga alkalde.

Maglalaban sa pagka-kongresista ng ikalawang distrito ng South Cotabato sina dating Governor Daisy Avance Fuentes, Tantangan Mayor Benjamin Figueroa at Koronadal City ex-Mayor Peter Miguel.

Unang naghain ng kandidatura si Miguel na kaalyado naman ni incumbent Governor Reynaldo Tamayo Jr., sumunod si Fuentes na kaalyado rin ni Congressman Ferdinand Hernandez na kakalaban naman si Tamayo sa pagka-gobernador ng probinsiya sa darating na eleksiyon.

Huling naghain ng kanyang COC ang alkalde ng bayan ng Tantangan na si Figueroa sa ilalim ni Senador Manny Pacquiao na tatakbong pangulo ng bansa.

Samantala, humabol naman sa pag-file ng COC si ang tinaguriang beauty queen ng Koronadal na si Councilor Mylene Bascon kung saan babanggain nito ang incumbent mayor ng Koronadal na si Mayor Eliordo Ogena.