CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ng Police Regional Office sa Northern Mindanao ang pag-aresto kay dating Misamis Oriental Governor Antonio “Bong†Calingin dahil sa 15 counts ng graft case mula sa Sandiganbayan.
Sinabi ng kanilang tagapagsalita sa Police Regional Office (PRO)-10 na si Police Lt. Colonel Surki Serenias, dinakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detension Group o CIDG ang dating gobernador dahil sa mandato ng korte na unang inilabas noon Marso 28, 2019.
Hinatulan ng graft court ang former governor ng 90 hanggang 120 taong pagkakulong o life impresonment dahil sa pagbulsa nito sa mahigit P7 milyong halaga mula sa maanomalyang Balay Ticala housing projects kung saan nakapangalan ito sa kanya.
Una rito, ikinuwento ng pulisya na ilang oras pang nagtago si Gov. Bong sa banyo ng kanyang bahay sa bayan ng Claveria bago tuluyang nahuli.
Nilinaw naman ng PRO-10 na hindi nanlaban, subalit may naganap na resistance sa kampo ng dating gobernador.