-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang pulitiko sa Nueva Ecija na si dating Governor Tomas N. Joson III sa edad 72.

Kinumpirma ito ng kaniyang anak at dating Nueva Ecija Vice Governor Edward Thomas Joson.

Hindi naman binanggit dito ang sanhi ng nasabing pagkasawi ng itinuturing na ama ng lalawigan.

Kilala siya sa tawag na Governor Tommy na siyang panganay na anak ng dating guerilla officer at late Governor Eduardo “Tatang” Joson ng bayan Quezon.

Nagsimula siyang pumasok sa pulitika bilang miyembro ng provincial board noong 1980 at naging bise gobernador hanggang nahalal bilang gobernador mula 1992-1995 at 1998-2007.