-- Advertisements --
Umaani ngayon ng paghanga ang Olympian mula sa Guatemala na si Adriana Ruano.
Ito’y makaraang makapag-uwi siya ng gold medal na kauna-unahan para sa kanilang bansa.
Pero maliban sa naturang historic win, mas lalo pa siyang tiningala makaraang maungkat na dati na siyang sumali bilang gymnast.
Nabatid na nagkaroon ng spinal injury si Ruano kaya hindi na nakapagpatuloy.
Pero nakakita ito ng panibagong opurtunidad sa larangan ng shooting, kung saan pinaghusayan niya ang pagsasanay hanggang sa makamit ang unang gold medal para sa kaniyang bansa.
Sa 50 targets, nakuha ni Adriana ang 45 sa mga ito, bagay na naghatid sa kaniya sa top spot ng sinalihang event.