-- Advertisements --

Pinatawan ng makulong ng 45 taon si dating Honduran President Juan Orlando Hernandez.

Kasunod ito sa drug trafficking case niya kung saan pinagbabayad din siya ng $8 milyon bilang multa.

Noong Marso ng mapatunayan ng mga hurado sa New York na guilty si Hernandez sa tatlong drug trafficking case niya matapos ang dalawang linggong pagdinig sa Manhattan federal court.

Taong 2022 ng ma-extradite siya mula Honduras matapos ang pagsampa ng US Department of Justice ng tatlong drug trafficking at firearms related.

Inakusahan pa ng piskalya ang 55-anyos na si Hernandez ng pakikipagsabwatan sa mga drug carteles kung saan nagdala pa sila ng 400 tonelada ng cocaine mula Honduras patungong US.

Mariing pinabulaanan naman ng dating pangulo at sinabing mali ang akusasyon sa kaniya at lahat ng mga paratang ay imbento lamang.