-- Advertisements --
Arnulfo Noli P. Fuentebella
Former House Speaker Arnulfo “Noli” P. Fuentebella

NAGA CITY – Kinumpirma ngayon ni Camarines Sur 4th District Rep. Arnie Fuentebella na binawian na ng buhay ang ama nito na si former House Speaker Arnulfo “Noli” P. Fuentebella.

Namatay siya sa edad na 74.

Sa ipinaabot na impormasyon ni Cong. Fuentebella, sinabi nito na kaninang umaga nang tuluyang binawian ng buhay ang dating kongresista dahil sa heart failure.

Nabatid na halos dalawang taon din itong nakipaglaban sa sakit sa kidney.

Sa ngayon, nagpasalamat naman ang pamilya Fuentebella sa mga tagasuporta ng dating kongresista habang isasapubliko na lamang aniya ang iba pang detalye para sa gagawing burol at libing ng dating opisyal.

“With deep sorrow, we would like to inform our family and friends that Former Speaker Arnulfo “Noli” P. Fuentebella has passed away this morning, September 9, 2020. He succumbed to Heart Failure after battling kidney disease for almost two years. Your prayers for his final journey back Home will be fondly appreciated. REST IN PEACE, Dad.”

Ang nakakatandang Fuentebella ay nagsilbi ng halos mahigit sa tatlong magkakasunod na termino bilang mambabatas.

Siya rin ang nanguna sa pagbubuo sa bagong lalawigan na tatawaging Nueva Camarines, na bubuuin ng ikaapat at ikalimang distrito ng Camarines Sur.

Sa ika-14 na Kongreso ng Pilipinas, si Fuentebella ay nahalal bilang deputy speaker sa House of Representative.