-- Advertisements --
Napabalik-tanaw si James Yap sa panahong nakasama rin nito ang namayapang si dating Pangulong “Noynoy” Aquino.
Ayon sa 39-year-old basketball star, nagpapasalamat siya na pinakitaan siya ng mabuti ni P-Noy noong nabubuhay pa at isa ito sa kanyang mamimis.
“Rest in peace President Noynoy Aquino. Thank you for being nice to me. You will be missed,” wika ni Yap kalakip ang larawan ni P-Noy.
Taong 2005 nang maganap ang civil wedding ni Yap sa aktres at bunsong kapatid ni Noynoy na si Kris Aquino, ngunit nauwi sa annulment noong 2012.
Si Bimby ang naging bunga ng kanilang pinagsamahan na ngayon ay 14-years-old na.
Sa ngayon naman ay mayroon na ring dalawang anak si James Yap sa bagong asawa na isang Italian.