-- Advertisements --

CEBU CITY-Huhihingi ng dasal at suporta sa mga kabakabayng pinoy si dating IBF at IBO light-flyweight world champion Milan “El Metodico” Melindo para sa pinakahihintay niyang championship fight sa darating na Enero 11, 2023 sa Cebu City Sports Center (CCSC) kung saan kanyang makakaharap ang isang Thailander na regional boxing champion.

Sa exclusibong panayam ng Bomboradyo Cebu, sinabi ni Melindo na gusto niyang muling umangat ang kanyang karera sa boxing at maging kampiyon muli sa dalawang magkaibang division matapos sa
kanyang matagal na pahinga sa ring at tatlong sunod-sunod na pagkatalo sa Japan.

Pero hindi magiging madali ang kagustohan ni Melindo na may record na (38-5-14 KO’s) dahil makakaharap niya ang isang malakas na boxer na si Chaiwat Buatkrathok na may kargadang (38-7-25KO’s) at ang kasalukoyang WBC Asian Boxing Council Continental featherweight champion.

Sa nasabing laban pag-aagawan nina Melindo at Buatkrathok ang bakanteng Oriental Pacific Boxing Federation (OPBF) silver featherweight title sa loob ng 10 round bout.

Samantala, makakalaban naman ng reigning World Boxing Foundation (WBF) Australasian flyweight champion at pinoy boxer Kit Garces (5-0-4KO’s) ang kapwa Pinoy na si Noli James Maquilan(4-1-3KO’s) sa co-main event.

Bilang karagdagan, mayroong walong undercard bouts na itinampok sa fight card na in-line para sa Sinulog Festival 2023.