CEBU – Ikinonsidera ng dating IBP-Eastern Visayas Governor ang pagbaba sa pwesto ni PNP chief General Oscar Albayalde bilang isang high ranking official.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Atty. Elaine Mae Bathan, sinabi nitong namamansahan na ang integridad ng buong organisasyon ng PNP dahil sa pagkakadawit ng heneral sa kontrobersyal na anti-drug operation sa Pampanga noong 2013.
Ayon kay Atty. Bathan na kailangang iligtas ni Albayalde ang imahe ng PNP sa pamamagitan ng pagbaba nito sa pwesto.
Aniya, lubos na naniniwala ang mga tao sa pulisya ngunit dahil sa naglalabasang kontrobersiya kung saan nadadawit ang mga opisyal ng PNP ay unti-unti na diumano itong nawawala.
Kaugnay nito, bilang ‘delicadeza’ ay panahon na upang bitawan ni Albayalde ang kanyang pwesto.
Habang, naniniwala rin si Atty. Bathan na malakas ang ebidensya na hawak ni Senator Richard Gordon laban kay General Albayalde.