ILOILO CITY – Dinisbar ng Korte Suprema si dating Iloilo City Councilor Plaridel Nava dahil sa conflict of interest at gross immorality.
Sa 8 pahinang desisyon ng Korte Suprema, napatunayang guilty si Nava sa paglabag sa Rules 15.03 at 7.03 ng Code of Professional Responsibility.
Ipinag-utos rin ng Kataas-taasang Hukuman ang pagbura sa pangalan ni Nava sa Roll of Attorneys.
Ang disbarment case ay isinampa ng dating kliyente ni Nava na si Rene Hierro, na nagturo sa dating konsehal na nagkaroon umano ng relasyon sa kanyang asawa na si Annalyn Hierro at nagkaroon pa sila ng anak.
Sa inilabas naman na statament ni Nava sa kanyang Facebook page, inamin nito na nag one night stand sila ng misis ng kanyang kliyente ngunit nilinaw na hindi niya ito minahal o nagustuhan.
Nakahanda naman ang konsehal na kilalanin ang kanyang anak sa labas.