-- Advertisements --

Inamin ng kampo ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na isa sa mga naging dahilan kaya bumalik siya sa Pilipinas ay ang nagpapatuloy na Quad Committee hearings ng Kamara.

Dito kasi ay tinatalakay ang mga paglabag sa batas ng nakalipas na administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Atty. Jeric Jucaban, naniniwala si Mabilog na sa pamamagitan ng naturang pagdinig ay malilinawan ang maraming bagay, kabilang na ang paglinis ng mga pangalang pilit binahiran ng mga alegasyon.

Gayunman, inamin nilang “under process” pa ang posible niyang pagharap sa Quad Committee.

Kaya uunahin muna niya ang ilang mahahalagang bagay, kabilang na ang pagharap sa kaniyang kaso at iba pang bagay na nabinbin nang umalis siya sa bansa.

Matatandaang nanatili sa ibayong dagat si Mabilog sa loob ng pitong taon, makaraang maging sentro noon ng mga batikos at banta umano ni dating Pangulong Duterte.