-- Advertisements --
Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) si dating Iloilo Provincial administrator Manuel ‘Boy’ Mejorada matapos na-convict sa kasong libel na isinampa ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon.
Ayon sa nagpakilalang partner ni Mejorada na si Ruby, dinakip ang dating administrator at dinadala sa NBI Detencion Center.
Matandaan na sa inilabas na desisyon ng Pasay City Regional Trial Court Branch 188, hinatulan si Mejorada na guilty sa four counts ng online libel sa ilalim ng Republic Act No. 10175 o the Cybercrime Prevention Act of 2012.
Nag-ugat ito sa libelous Facebook post ni Mejorada sa diumano’y maanomaliyang proyekto ng Ilonggo senator sa Iloilo City, kabilang na ang Iloilo Convention Center at circumferential road.